Hintayin ang text message sa loob ng isang linggo bago balikan ang ni-request na medical record.
Kung walang natatanggap na text message pagkaraan ng isang linggo, maaaring i-follow up sa telepono 940-0300.
Magdala ng mga sumusunod upang makuha ang ni-request na Medical Record (Lunes hanggang Biyernes (maliban kung Holiday), 8:00am – 12:00nn, 1:00 pm – 5:00 pm):
1. Kung ikaw mismo ang pasyente (19 years old pataas) - photocopy ng iyong valid ID;
2. Kung bata o 18 years old pababa ang edad ng pasyente, kailangan ng sumusunod:
a. authorization letter ng magulang ng pasyente,
b. photocopy ng registered birth certificate ng minor na pasyente
c. photocopy ng valid ID ng magulang
d. photocopy ng valid ID ng representative na kukuha ng medical record
3. Kung hindi pasyente ang kukuha ng medical record, kailangan ng sumusunod:
a. authorization letter mula sa pasyente (original, may pirma ng pasyente)
b. photocopy ng valid ID ng pasyente
c. photocopy ng valid ID ng representative na kukuha ng medical record
**** Kung walang valid ID, maaaring ipalit ang Barangay Certification na may picture
Charge Fee
Medical Abstract - P100.00
Operative Record - P50.00
Medical Certificate - P100.00
Laboratory Result - P10.00
Radiology Diagnostice Result - P10.00